Matapos ang halos limang araw na pagkakaipit sa ilalim ng debris ng mga gumuhong gusali, isang inang 6 na buwang buntis at ang kanyang 7-anyos na anak na babae ang nailigtas ng rescue workers sa lungsod ng Gaziantep sa Türkiye.
Halos 26,000 na ang kumpirmadong nasawi matapos ang 7.8-magnitude na lindol na tumama sa Türkiye at Syria. Itinuturing itong isa sa “deadliest earthquakes” sa rehiyon sa loob ng 20 taon.
Ang patuloy na rescue operations, tunghayan sa video.